
Blog
General Assembly Polintan Compound 2 July 2026
Muling pinatunayan ng komunidad ng Polintan Compound 2 na sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at pagtutulungan, tuloy-tuloy ang pag-usad at pagpapaganda ng ating lugar.
Noong nakaraang pagpupulong, matagumpay na idinaos ang General Assembly na dinaluhan ng ating mga Land Owners at mga kapwa natin Buyers. Naging bukas, maayos, at produktibo ang palitan ng impormasyon ukol sa mga mahahalagang proyekto na magpapasikip sa seguridad at kaginhawaan ng bawat pamilya sa compound.
Mabilis at Legal na Linya ng Tubig at Meralco
Magagandang balita rin ang ipinaabot ukol sa tulong at suporta mula sa LGU para sa opisyal at legal na pagpapakabit ng sariling linya ng kuryente (Meralco) at tubig. Ang proyektong ito ay mahalagang hakbang upang magkaroon ang bawat kabahayan ng sariling meter at permanenteng supply ng tubig at kuryente
Pangunahing prayoridad ng ating komunidad ang kaligtasan ng bawat pamilya. Kaya naman, masinsinang tinalakay ang nakatakdang pagsasaayos ng mga linya ng kuryente, aang hakbang na ito ay naglalayong isaayos ang mga main lines at iwasan ang anumang peligro o aksidente tulad ng sunog sa loob ng compound.

Bukod sa mga pangunahing agenda, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga buyers na maidulog ang kanilang mga indibidwal na katanungan at suhestiyon. Naging maayos, payapa, at mabilis ang pagbibigay ng linaw at solusyon sa bawat usapin.

🤝 Isang Taos-Pusong Pasasalamat!
Ang tagumpay ng pagpupulong na ito ay patunay na kapag may pagkakaisa ang mga Land Owners at Buyers, walang proyektong hindi kayang maisakatuparan.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa walang sawang suporta, oras, at tiwala ng bawat isa. Tuloy-tuloy po nating pagtulungan ang pagpapaunlad at pagpapanatili ng kaayusan sa Polintan Compound 2!
Para sa mga susunod na anunsyo at updates, manatiling nakatutok sa ating opisyal na Facebook Group at Community Page.
