
Polintan Compound II
Nagkakaisang komunidad tungo sa maayos na kinabukasan

About
About Us
Kami, ang mga nagkakaisang mamamayan at residente ng Polintan Compound II
Blog
Update sa aming Komunidad
FAQ
Frequently asked questions
Maaari na ba kaming magbayad ng butaw (association dues)?
Kasalukuyan pong na put on hold muna ang pagbabayad ng ating butaw dahil may mga mahahalagang dokumento lang po ang kailangan pang ayusin, maghintay lang ng mga susunod na anunsyo para sa butaw.
Kapag may request kami or nais idulog na concern, paano namin ito masasabi?
**Maaari po kayong mag fill-up ng ating Online form **
Click niyo po itong link
or mag-message directly sa ating FB page, or Messenger group
Kapag mayroon akong katanungan patungkol sa pagbabayad ng lupa at land survey, kanino ako pwedeng magtanong?
Maaari po kayong direktang magtanong sa ating mga land owners. Pwede ninyo silang ma-reach sa pamamagitan ng SMS (text), Viber, o Messenger.
Paano po kapag may mga buwan na hindi kami nakakapagbayad sa land owners?
Mangyari po na makipag-ugnayan at mag-abiso agad nang maaga sa ating mga land owners kung hindi kayo makakabayad para sa partikular na buwang iyon. Ang mga tuntunin at kaukulang hakbang ukol dito ay malinaw na nakasaad sa inyong MOA (Memorandum of Agreement). Ang maagang pag-abiso ay kinakailangan upang maiwasan ang anumang aberya o problema sa inyong account.
Para naman sa mga fully paid na, ano na po ang kasalukuyang proseso para sa kanila?
Ang mga fully paid na buyers ay kasalukuyang naghihintay sa pagbaba ng approved subdivision plan. Ang prosesong ito ay nangangailangan ng masusing pag-asikaso. Gayunpaman, dahil tayo ay kabilang sa Libreng Patitulo Program ng LGU ng Taguig, asahan po ninyo na sa oras na bumaba ang approved plan ay magiging tuloy-tuloy na ang proseso ng pagpapatitulo.
Sa ngayon, hinihiling po namin ang inyong pasensya na maghintay sa susunod na opisyal na abiso mula sa ating mga land owners. Ginagawa po nila ang kanilang makakaya upang matapos at maaprubahan ang plano sa lalong madaling panahon.